Sunday , December 22 2024
Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda Papin bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Itinalga si Imelda ni PBBM para maging isa sa mga Board of Directors ng PCSO.

Ani Imelda, itinuturing niyang biggest blessings ang pagkakatalaga sa kanya sa PCSO dahil ito talaga ang gusto niya, ang tumulong. 

“Blessing ‘yan sa akin. Kapag may dumarating na blessing, huwag mong tanggihan para ipakita mo ang puso mo.

“Siguro inisip ni Presidente na kaya kong gampanan ang position. I’ve been doing this. Kahit noon pa, talagang gusto kong tumulong sa ating mga kababayan. Since naging bise gobernador ako, ‘yun na talaga ang aking ginagawa,” anang veteran singer.

“Natuwa ako. Napaiyak ako. Sabi ko, ‘Thank you, Lord. What a blessing.’ Maipagpapatuloy ko ‘yung pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong. This is my payback time,” emosyonal na pagbabahagi ni Imelda nang matanggap daw niya ang tawag ukol sa PCSO.

Pagbabahagi pa ni Imelda, “Lima kaming directors diyan including the chairman and general manager.

“Lahat ng programs na ilalabas namin, dumadaan lahat sa approval ng board. I will know almost everything when I start working on Monday (kahapon). Mag-oopisina ako pero not necessarily everyday akong naroon.

“Sa Monday, I was told by the GM and chairman, na i-introduce na nila ako sa employees para official na. Sama-sama na kami,” sabi pa.

At nang tanungin kung may naisip na ba siyang proyekto para sa PCSO, sinabi niya ang “Isang Linggong Serbisyo” na hango sa hit classic song niyang Isang Linggong Pag-Ibig na personal pala niyang sinabi o ibinahagi kay PBBM.

At nagustuhan naman daw ito ni Pangulong BBM.

“Ang priority ko talaga ay medical assistance kasi ito naman talaga ang mandato ng PCSO. Kaya nga I have this program na ‘Isang Linggong Serbisyo’ na na-mention ko sa President and okay siya and masaya siya.

“Kahit Sabado at Linggo, we will probably put up a call center or line para matugunan agad ‘yung mga tao basta complete ‘yung requirements nila.

“Kailangan mailabas agad ‘yung tulong kasi nakakaawa ‘yung mga taong nakapila, naghihintay. I bring this up to the board,” wika pa ni Imelda.

“Ako ay nasanay na sa pagtulong dahil ang papa ko noon ay nasa politics for 20 years. Nakita ng dalawang mata ko ‘yun. Marami na akong natulungan.

“When I became na vice governor for nine years, ako ay lumalabas talaga para tumulong. I had my feeding program which I fed more than 500,000 children, mga housing project, scholarship programs. Masaya ako kapag may napapangiti akong tao.”

Kaya nga inaakit ni Imelda na tumaya ang karamihan sa PCSO dahil aniya sa bawat taya, maraming kababayan natin ang natutulungan. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …