SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI pa mapapanood sa anumang streaming platform ang pelikulang pinagbibidahan nina Alfred Vargas, Gina Alajar, Jaclyn Jose, at Nora Aunor, ang Pieta. Bagkus ipalalabas ito exclusively sa mga SM cinema.
Ito ang iginiit ni Alfred sa kanyang thanksgiving lunch noong Huwebes sa SuperSam, QC.
“We will tour the movie through exclusive screenings. As of now, we have fully booked screenings across the country. In one of the screenings, Nora Aunor will be there,” pagbabalita ni Alfred.
“Late June talaga ang special screening with Ate Guy. Tribute rin ito sa pagiging artist niya. July onwards start na ng tour for ‘Pieta’,” sabi pa ni Konsi Alfred.
Samantala, iginiit pa ni Alfred na ang pagkapanalo niya kamakailan sa FAMAS bilang best actor ay dahil kina Nora, Jaclyn, at Gina
Aniya, nabigyan niya ng hustisya ang karakter na ginagampanan sa Pieta dahil sa paggabay at suporta sa kanya ni Nora.
Malaki rin ng nagawa sa kanga nina Gina at Jaclyn na mga mga award-winning actress.
Nasabi ni Alfred na marami siyang natutunan sa mga aktres habang ginagawa ang Pieta.
Nakahahawa raw kasi ang galing ng mga premyadong aktres sa akting.