Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Lolit Solis nilinaw tunay na estado relasyon nina Paolo at Yen

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAKA nagkasawaan na.” Ito ang sagot ni Manay Lolit Solis nang usisain namin ang estado ng relasyon ng kanyang alagang si Paolo Contis at Yen Santos.

Pero pwede silang magkabalikan. Pero si Paolo, parang kapag nakipag-break na, parang ayaw na niya talaga,” sabi pa ng talent manager isang hapon nang makatsikahan namin.

Natanong din ang talent manager kung nabibigyan niya iyon ng payo. At isa nga sa nasabi niya ay kung saan masaya at kung saan maligaya ang puso niyon, ‘yun ang sundin nito.

At sa mga nakarelasyon ni Paolo, si Yen, ang masuwerte kay Paolo, anang manager. “Hindi magulo ‘yung ano niya (buhay). Hindi kagaya noon na parang ang gulo ng utak niya. Eh, dito parang at peace siya,” sabi pa.

May mga balitang hiwalay na ang dalawa bagama’t walang pagkompirma sa dalawa.

Kaya feelinf ni Manay Lolit kaya ayaw magsalita ni Paolo ay baka raw posible pang magkabalikan ang dalawa, “Kasi, ‘di ba, baka magsasalita siyang hiwalay na sila tapos makikita sila sweet na sweet. Kaya baka ayaw muna niyang kompirmahin kasi baka may pag-asa pa.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …