MA at PA
ni Rommel Placente
SINGLE pa rin ang Kapuso actress na si Sanya Lopez at hindi pa rin priority ang magkaroon ng boyfriend.
Nananatiling NBSB o no boyfriend since birth ang dalaga pero wala itong isyu sa kanya dahil happy naman siya ngayon sa kanyang career at personal life kahit walang dyowa.
“Hindi ko rin talaga siya hinahanap, dapat ako ‘yung hinahanap niya,” sabi ni Sanya.
Mayroon naman daw nanliligaw sa kanya, “Pero wala lang talaga ‘yung time na pwede ako. Mahirap ‘yung klase ng trabaho na mayroon ako, kaya naman kung kaya niyang tanggapin, katulad nga po niyong sinabi ko, may ‘Sang’gre,’ may ‘Pulang Araw,’ may ‘Playtime.’
“Kung kaya niya ‘yon tanggapin, kung saan siya sisingit doon, okay,” esplika pa niya.
Gusto rin ni Sanya na kilalanin munang mabuti ang taong nanliligaw sa kanya bago niya sagutin, “Lagi naman tayong (may kinikilatis) pero kung sino ‘yung talagang, ‘yung talagang totoo, kasi gusto ko ‘yung siyang, siya na.”