Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu

Kim Chiu dapat ipakete ng bago para career mas umusad pa

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT kami dahil 18 taon na palang artista si Kim Chiu. Kung iisipin mo, napakabagal pala ng usad ng kanyang career. Naging bida siya sa mga serye sa telebisyon pero sa pelikula wala pa siyang nagagawang siya ang bida at naging malaking hit sa takilya. Baka nga sa estado niya ngayon napakahirap pa siyang tawaging movie star. Kaya kita ninyo maski na sa kanilang network ay tinatawag lamang siyang “Chinita princess.”

Iyon nga siguro ang isang maling diskarte eh, ginawa siyang bida agad sa isang serye na tungkol sa mga Chinese, iyong Binondo Girl. Dahil doon halos na-type cast na siya sa mga ganoong roles. Eh paano kung  hindi Chinese ang character, wala na si Kim.

Hindi rin napangalagaan nang husto ang kanyang image. Noong una, iniwan siya ng kanyang ka-love team at syotang si Gerald Anderson. Tapos iniwan na naman siya ng kanyang ka-love team at syotang si Xian Lim. Ano ba naman iyan lagi na lang siyang iniiwan ng mga nagiging syota niya, at iyan ay hindi maganda sa image niya.

After 18 years in the business, panahon na nga siguro para ipakete ng panibago si Kim dahil kung hindi kawawa naman iyong bata at baka masabing siya ang Nori Dalisay ng kanyang generation.

Kung nabubuhay pa ngayon si Ramon Teodoro ang original na Mama Monchang, ewan kung ano ang sasabihin niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …