Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
RS Francisco Gretchen Barretto

RS nilinaw pagtakbo ni Gretchen bilang kongresista

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang panayam kay RS Francisco, sinabi niya na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita na tatakbong kongresista ang best friend niya na si Gretchen Barretto.

Wala pa akong naririnig from her! Pero I doubt!” sabi ni RS.

Anyway, si Gretchen ang nagsabi kay RS na mag-retire na sa paggawa ng pelikula o teleserye. 

Noon kasi, kahit ano gagawin ko. Kahit maglakad lang sa harap ng kamera, okey ako.

“Ngayon, marami ang nag-o-offer sa akin na umarte ako, pero napapa-no na ako. Unlike nga before na kahit anong role ibigay sa akin, gagawin ko talaga. Sobrang hungry ko noon.

“I don’t know. Siguro kakakausap ko kay Gretchen, kakasabi niya sa akin na, ‘Mag-retire ka na,’ ganoon siya nang ganoon. Na siya nga raw nag-retire na.

“So, parang ganoon, na siya ang nagsabi sa akin na mag-retire na. She would tell me, noong 2017, na ‘Bakit ka pa gagawa ng movie, hindi mo naman kailangan ‘yan? Pahinga ka na lang, RS. Ganoon siya nang ganoon sa akin.

“Sinasabi ko sa kanya noon na, ‘Gretchen masarap umarte.’

“Pero noong pandemic, bigla akong nag-iba. Nag-change ang priorities ko, ang values ko. All of a sudden, tumatanggi na ako sa mga offer. Like may isang movie ako with Kim Chiu, na akala ko one shooting day lang ako, pero 12 days pa pala ako. Nagsabi ako politely na hindi ko na magagawa, na okey na `yung one shooting lang ako. Nagulat ako sa sarili ko.

“So ngayon, nag-focus na lang ako sa negosyo, sa clubs like Rampa, Karma, then, ‘yung t-shirt line ko, at sa Front Row siyempre,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …