NAARESTO ng Intelligence Section personnel ng Parañaque City Police ang dalawang suspek sa ilegal na sugal sa Den Mark St., Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Isinagawa ang operasyon ng mga pulis dakong 1:30 am kahapon, nang maaktohan ang dalawang suspek na nagsusugal ng fruitgame sa lugar kaya agad inaresto ng mga operatiba.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Maricar at alyas Christopher na nahaharap sa kasong Anti-Illegal Gambling Activity (Fruit Game) o paglabag sa Presidential Decree 1602.
Nakompiska ng mga awtoridad ang perang ginamit sa pagsusugal na P200 at dalawang fruitgame machine.
Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa Parañaque City Police detention facility habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa dalawa.