Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Glenda Dela Cruz

Ms Glenda sa pagpili kay Kim—mayroong tatak sa puso ko at sa team

SI Kim Chiu ang kinuhang endorser ni Glenda dela Cruz,  CEO ng Brilliant Skin Care para maging endorser ng Hello! Melo, na isang beauty drink.

Ipinaliwanag ni Glenda kung bakit si Kim ang napili niyang endorser. Sabi ni Glenda, “Hindi lang namin siya basta kinuha or hindi lang namin siya basta ipinasok sa Brilliant.

“Marami kaming pinagpilian, but si Kim Chiu talaga ‘yung..as in mayroong tatak sa puso ko, at sa team namin.

“Lagi namin siyang pinapanood ng lola ko sa mga seryeng ginagawa niya mula sa ‘Sana Maulit Muli’ hanggang sa ‘Linlang,’ at ngayon sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim.’

“So,siya ‘yung napili namin. Super bagay for her,” sabi ni Glenda.

At kung paano niya naisipan na gumawa ng Hello! Melo Beauty Drink, ang sabi ni Glenda, “Ako po ‘yung tipo ng tao na mahilig sa coke. Parang hindi na ako nagtu-tubig, coke na lang. So ngayon, pinalitan ko na siya ng Hello! Melo.

“Marami siyang benefits sa skin, hair, nails, tapos nagbu-boost din siya ng hydration and improves elasticity and marami pong iba.”

Samantala, sa tanong kay Kim kung sino ang unang-unang bibigyan niya ng naturang produkto, ang sagot niya ay ang kapareha niya sa seryeng What’s Wrong With Secretary Kim na si Paulo Avelino.

Si Paulo ay isa sa mga endorser ng Brilliant Skin Care, ngayon ay magkasama na ang KimPau sa Brilliant family.

Siyempre masaya kami  pareho. This is a blessing for us. And ayun masaya kami na nasa Brilliant kami, Mabait sa amin si Madam Glenda.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …