Tuesday , June 18 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga may kapansanan laban sa estupido

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

WALANG tinig at pandinig, nagsama-sama para magkilos-protesta noong nakaraang linggo ang mga sinibak na empleyado ng Filipino Sign Language (FSL) unit sa kasagsagan ng kanilang paghihimutok. Nagtipon-tipon sa Liwasang Bonifacio ang mga miyembro ng Philippine Federation of the Deaf at kanilang mga tagasuporta upang kuwestiyonin ang hindi makatuwirang pagsibak sa mga manggagawa ng FSL Unit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na pinamumunuan ni Arthur Casanova.

Binibigyang-diin ng protesta ang mga seryosong usapin sa loob ng KWF. Ang FSL Unit, na itinatag noong Hulyo 2022 sa bisa ng isang kasunduan upang itaguyod at ituro ang FSL, ay binuwag nang walang dahilan. Ilang buwang nagkanda-delay ang suweldo ng mga empleyado nito at ngayon ay pinagkakaitan naman ng karampatang kompensasyon.

         Ang pagtrato sa mga kawani ay deretsahang tumataliwas sa pangunahing mandato ng komisyon na magsulong, ipakalat, at panatilihing buhay ang mga lengguwaheng Filipino, na malinaw namang kinabibilangan ng FSL.

Lutang na lutang ang kabalintunaan. Noong Nobyembre, ipinagdiwang pa ng KWF, kasama ang Department of Education, ang National Deaf Awareness Week nang buong sigla at pagpapahalaga, isinusulong ang mismong mga prinsipyo na kanila ngayong tinatarantado.

Pinuri pa nga ng KWF, sa pamamagitan ni Komisyoner Benjamin Mendillo, ang Republic Act 11106, na kumikilala sa FSL bilang national sign language at inoobliga ang paggamit nito sa mga transaksiyon sa gobyerno. Ang isinapublikong pagpapakita ng suporta sa FSL na ito ay naging hungkag na ngayon dahil sa mga ginagawa ng KWF sa ilalim ng liderato ni Casanova.

Pinalalala pa ang problema ng tungkol sa nawawalang P1.8-milyon budget na inilaan para sa FSL Unit noong 2023. Ang nasabing pondo, na inilaan upang suportahan ang mga aktibidad ng unit, ay misteryosong naglaho, na nagresulta sa mga hindi nabayarang interpreters at pagkakatigil ng mga operasyon.

Sinusuri ngayon ang pamumuno ni Casanova dahil sa kapalpakang ito sa pangangasiwa sa pondo. Ang kawalan ng transparency at pananagutan ay nauwi sa seryosong pagkuwestiyon sa integridad ng komisyon.

Bukod pa rito, ang legal na pabor na natamo kamakailan ni Casanova ay nagdagdag pa ng layer ng kaipokritohan sa sitwasyon. Noong Marso, ibinalik ng Court of Appeals ang kanyang mga suweldo kasunod ng hindi balidong pagsuspende sa kanya, pinagkaitan daw siya ng due process, ayon sa desisyon ng korte.

Nakapagtataka lang na matapos magkamit ng hustisya si Casanova para sa kanyang sarili, siya naman ngayon ang gumagawa ng inhustisya laban sa mga may kapansanang empleyado ng kanyang komisyon. Tama lang ang pagkondenang ginawa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), dahil ang mga pinaggagagawa ni Casanova ay nagbibigay-atensiyon sa isang pamumuno na bigong mapanindigan ang mga prinsipyong dapat nitong itinataguyod. Gaya nga ng sabi ng ACT, “his action is not only inhumane but also undermines the rights and dignity of the deaf community.”

Matutuldukan lang ang isyung ito kung magkakaroon ng agaran at wastong solusyon na karapat-dapat lang asahan mula sa komisyon – isang institusyon na hindi dapat, sa anumang dahilan, kumilos na parang estupido.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

General lie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PINAKAWALAN sa Shangri-La Dialogue ng pinakamatataas na opisyal ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pananakit ng grupong MANIBELA kay Gonzales, kinondena ng QCPDPC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang balita o nangyari kahapon sa kapatid namin sa pamamahayag …

YANIG ni Bong Ramos

First class citizens sa PH

YANIGni Bong Ramos DARATING daw ang araw na ang mga ‘Intsik’ na ang mga first …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ang pagkakaiba ni suspended Mayor Guo sa traditional politicians

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAHIL ‘balik farm’ muna si Bamban (Tarlac) Mayor Alice Guo. Ha!? …