HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKIPAG-SPLIT na nga ba si KC Concepcion sa sinasabing naging boyfriend niyang si Mike Wuethrich? Hindi naman nila sinasabing split na sila pero marami ang nakapansin na nag-un follow na sila sa isa’t isa sa social media.
Alam naman ninyo ang utak ng mga tao ngayon basta nag-follow sa social media mag-syota na, basta nag-unfollow split na. Pero para sa amin hanggang walang official statement hindi kami naniniwala, kahit na sabihin pa ng “reliable sources” nakita ninyo sunod-sunod ang kaso ng cyber libel ngayon dahil sa bloggers na umaasa sa kanilang “mapagkakatiwalaang source.”
Si KC naman basta kumalas sinasabi niya nang diretso, hindi naman siya kagaya ng iba na marami pang paduda. Sa kanya basta split, split na talaga,