HATAWAN
ni Ed de Leon
TINGNAN ninyo ang suwerte talaga, minsan hindi mo masabi. Initsa-puwera ng kanyang mga nakasama sa isang pelikulang nag-flop naman, dahil nakita siyang kasama ang kanyang girlfriend noon sa pelikulang kalaban.
Dahil doon, hindi siya kinilalang lead actor ng pelikula at sa halip ang direktor din niyon ang nagpakilalang lead actor. Pero nanalo man sila ng mga award sa mga hindi reliable na award giving bodies, hindi pa rin kumita ang pelikulang iyon.
Suwerte si Jerome Ponce, nakaligtas siya sa isang hindi kumitang pelikula kaya sa ngayon maganda pa rin ang takbo ng kanyang career. Nawala man ang ABS-CBN, kinuha naman siya ng Regal at Viva at ngayon may iba pang kompanya na kumukuha sa kanya kasi napatunayan naman niyang mahusay siya.
Kung minsan talaga kung sino ang inaapi iyon ang nagtatagumpay. Hindi ba naman?