Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
PINAGBABASAG ang mga salamin ng entrance gate ng King and Queen International Restaurant and Club.
Isa sa tauhan ay kinuha ang baril ng securiry guard habang ang ilan ay agad na nagtungo sa opisina at tinutukan ng baril ang kahera at nilimas ang nakatagong pondo ng nasabing establisimiyento.
Bukod diyan, lahat ng empleyado ay kinapkapan at pinagkukuha ang mga pera at cellphone. Pati mga customer na Chinese ay pinagkukuha ang mga salapi at mga alahas kabilang ang tatlong Arabiano na planong mag-invest sa lungsod ng Pasay.
Lahat ng crew managers at mga babaeng nagtatrabaho ay kinompiska ang mga kagamitan na tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga.
Ayon sa ating impormasyon, wala sa bansa si DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.
May work permits ang mga empleyado at mayroong business permits ang establisimiyento. Ayon sa source, dating in-abolish ang grupong ito dahil sa mga katarantadohang ginawa.
Ayon sa media, na nag-cover sa naganap na pagsalakay, hindi sila pinapasok sa loob ng establisimiyento habang nakaposas ang mga workers at ikinulong sa isang kuwarto ang lahat ng babae.
Ilang sandali pa ay ini-turnover ng SPG Group ang mga empleyado ngunit hindi tinanggap ng PCP-1 ng Pasay Police dahil wala itong koordinasyon sa local police maging sa Southern Police District.
Gumawa ng drama ang SPG na mayroon umanong mga minor, may human trafficking, ano ba’yan!
Epaano ngayon ‘yan, katakot-takot na kaso ang isasampa sa Ombudsman, NAPOLCOM at IAS!
Ang tagal ko na sa media industry, halos 36 years na, pero ngayon ko lang naranasan na mayroon palang natitirang mga demonyo sa ahensiya ng gobyerno.
Dapat muling i-abolish ang grupong ito. Bakit umiiwas si Atty. Benedict Tan? Wow ha! Ngayon pakiusap n’yo ‘wag magpa-media? Pagkatapos n’yong pagwawasakin at basagin lahat ng salamin at sirain ang mga CCTV camera?
Kung totoong abogado si Tan, dapat ireklamo siya siya sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para mapatawan ng parusa.