Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Umawat sa away
KUYA PATAY, UTOL SUGATAN SA PANANAKSAK

PATAY ang isang kuya, habang sugatan ang kanyang nakababatang kapatid matapos pagsasaksakin ng isa sa apat na kalugar nang umawat sa away ang mga biktima sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Makatao hospital ang biktimang kinilalang  si Marlon Dollete, 36 anyos, sanhi ng tatlong malalalim ng tama ng saksak sa katawan, habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC)  sanhi ng saksak ssa ibabang bahagi ng dibdib ang kanyang kapatid na kinilalang si Flaviano, 27 anyos, kapwa residente sa Block 15, Lot 17, Karisma Ville, Brgy. Panghulo ng nasabing lungsod.

Nakapiit ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek na sina alyas Ryan, 18, alyas Joven, 28, at alyas Seth, 27, habang pinaghahanap ng pulisya si alyas Samboy, nasa hustong gulang, pawang residente sa Alley 9, Karisma, Brgy. Panghulo.

Sa ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Allan Bermejo, Jr., kay Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong 6:40 pm nang maganap ang insidente sa Karisma Village, Road 4, Brgy. Panghulo.

Sa pahayag ng mga saksi sa pulisya, nag-iinuman ang mga suspek malapit sa naturang lugar nang isang alyas Roderick na nangungupahan sa isang apartment sa lugar ang nagbabala sa kanila na ikinagalit at hinanap si Roderick.

Nang makita, sinapak ni ‘Ryan’ sa mukha si ‘Roderick’ hanggang umawat ang iba pang mga nangungupahan kabilang ang magkapatid ngunit pinagtulungang hawakan ng tatlo sa mga suspek ang mga biktima bago pinagsasaksak ni Samboy.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek subalit, naaresto sa follow-up operation ang tatlo sa kanila at nakompiska ang isang bolo habang isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay si Marlon, samantala, inilipat sa TMC hospital ang kanyang kapatid. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …