Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gretchen Barretto Dominique Cojuangco Michael Hearn Penelope Eloise

Gretchen Barretto lola na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG healthy baby girl ang iniluwal ng unica hija ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco

Si Dominique mismo ang nagpabatid ng magandang balita sa pamamagitan ng kanyang Instagramaccount kasama ang isang picture ng kanyang new born baby  na pinangalanan nila ng kanyang asawang si Michael Hearn ng Penelope Eloise.

Caption ni Dominique, “A week of bliss… Five two-hour lipid IV drips and two-hundred and forty-two Heparin injections, but I’ve enjoyed every minute of my pregnancy.

Michael and I are delighted to welcome our little wiggler from inside my womb.

Thank you, Lord!”

Sayang at wala na o hindi na aktibo sa socmed si Gretchen para malaman natin kung gaano siya kasaya sa pagdating ng kanilang unang apo.

Pero sa kabilang banda, for sure super saya ni Greta sa paglabas ng kanyang apo at nakatitiyak kami na ipagmamalaki at ipagsisigawan nito ang pagdating ng bagong miyembro sa kanilang pamilya.

Ang tanong, ano kaya ang ipatatawag ni Gretchen sa kanyang apo, Mami La, Mamita, grandma, lola? 

Ikinasal noong March, 2023 sa San Agustin Church sa Manila sina Dominique at Michael at nagkaroon ng bonggang reception sa National Museum of Natural History.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …