Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Elaine Crisostomo

Sinag nina Claudine at direk Elaine gumiling na

INUMPISAHAN na nina direk Elaine Crisostomo at Claudine Barretto ang shooting ng fantasy movie na Sinag na prodyus ni Bea Glorioso ng Entablado Films. Sa Nasugbu, Batangas ang napiling lokasyon ni direk Elaine na tamang-tama sa tema ng kanilang pelikula.

Kitang-kita ang excitement kapwa nina direk Elaine at Claudine sa pagsisimula ng kanilang shooting dahil ayon nga sa una, masaya siyang makatrabaho ang dating kaibigang si Claudine.

“Matagal na kaming magkaibigan niyan, 90’s pa. Nag-Amerika lang ako then this time na nasa ‘Pinas na ako, I told her na kailangang magtrabaho kami sa isang movie and nag-isip kami ng script for her dahil alam naman natin na si Claudine, mahusay talagang umarte eversince. Patunay ‘yung mga pelikulang ginawa niya before na malalaki at box office talaga,” anang direktor.

” Excited lahat to work with her lalo na ako. That’s why, heto, rolling na tayo and I will do my best bilang direktor niya para the fans and followers at lahat ng nagmamahal sa kanya na hindi tayo mapapahiya,” wika pa ni direk Elaine.

Sinabi naman ng scriptwriter nitong si Harvie Aquino na siya ring assistant director na ginalingan niya ang pagsusulat dahil isang Claudine Barretto ang magbibida.

“Noong isinusulat ko ang script, sabi ko, Claudine ito. Ginawa ko then I presented it to them (direk Elaine at Claudine). Alam mo ‘yung feeling na habang binabasa niya (Claudine) ang script na tinanggap niya tapos nakita kong she’s happy sa dialogues, everything, ang sarap sa pakiramdam. Ang saya ko. Para talaga kay Claudine ang script,” masayang tsika naman ni  Harvie.

Hindi naman itinago ni Claudine ang excitement sa pelikula sa naganap na media announcement ng Sinag. Sinabi ng aktres na excited siyang gawin ang pelikula dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siyang diwata.

Napag-alaman naming ang mga costume na gagamitin ni Claudine ay nagkakahalaga ng halos P300K na siya mismo ang namili.

Medyo malaki ang magiging production cost ng Sinag lalo’t sa Amerika pa gagawin ang special effects dagdag pa na star studded ito.

Ibinahagi rin ng direktor na napakaraming kaibigan si Claudine ang nagpaabot na ng interes para sumama sa pelikula.

Inaasahang matatapos ang Sinag within the month of June at maipalalabas ngayong taon din. 

Ang Sinag ay kuwento ng Tribu Nayas-Yasak na pinamumugaran ng mga diwatang may iba’t ibang antas at katayuan. Binubuo ito ng Mga Diwatang Lunas na pinamumunuan ni Liway-way, Mga Diwatang Mananambal na pinamumunuan naman ni Bai Waluka, at mga Diwatang Bughaw na  si Reyna Erna ang reyna sa buong tribu.

Sa paparating na malaking digmaan ng mga Diwata at mga lahing tikbalang at Engkanto, magiging tagapagtanggol ng tribu ang itinakdang “Sinag”. Ngunit sa pagkakataong ito ay kambal na Diwata ang isinilang ni Reyna Erna at ito ay sina Amara at Mayari na magdudulot ito ng kalituhan kung sino nga ba sakanila ang tunay na itinakda at kung sino ang huwad.

Abangan ang Sinag handog ng Bea Glorioso of Entablado Films at sinasabing pinakamalaking pagbabalik-pelikula ni Claudine. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …