Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin at Kira emosyonal sa unang pagtatambal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NANGINGINIG at naiiyak si Kira Balinger sa red carpet premiere night ng pelikula nilang pinagbibidahan din ni Kelvin Miranda, ang Chances Are, You and I handog ng Pocket Media Productions at Happy Infinite Productions na ginanap sa SM Cinema Megamall, Martes ng gabi.

Hindi kasi makapaniwala si Kira na bukod sa napakaraming tao ang nanood sinuportahan pa rin siya ng kanyang pamilya, fans, at executive ng ABS-CBN. 

Masaya rin si Kira na finally ay maipalalabas na ang pelikula nilang ukol sa dalawang Gen Z na kapwa may sakit sa utak at biktima ng aksidente. 

“We’ve waited so long for this moment and it was finally happening. We’re so happy to share our beautiful movie with you. Family mom and dad, friends to all of my fans, maraming-maraming salamat sa inyo na you’re here despite the traffic,” panimula ni Kira bago inumpisahan ang pagpapalabas ng pelikula. “My star magic family, direk Loren (Dyogi), Inang (Olive Lamasan) and sa mga Kapuso fans ni Kelvin, ‘hello, ako po si Kira.

“My only wish for tonight is that we will make everybody proud and I hope you will enjoy our movie, maraming-maraming salamat po,” sabi pa ni Kira.

Hirap din si Kelvin kung paano magpapasalamat sa mga taong dumagsa sa cinema. “Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko kahit na po ang daming nangyari, kontrobersiya na na-experience, na-encounter namin dito sa pelikulang ito, totoo po iyon para sa inyo ang pelikulang ito. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin para maitaguyod, mapaganda nang husto.

“Gusto ko pong i-acknolweledge ang aking pamilya, GMA family, Kapamilya, Kapatid, fans, family, friends, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Sabay-sabay po tayong matuto ngayong gabi sa pelikulang ito. Para sa inyong lahat ito. Salamat.”

Bago ito’y kitang-kita na ang pagiging emosyonal ni Kira habang naglalakad  kasama sina Kelvin at direk Catherine Camarillo sa red carpet dahil talaga namang dinumog sila na halos hindi na makadaan patungo sa cinema.

Bukod sa mga nabanggit namin sa itaas sinuportahan din sina Kira at Kelvin nina Iza Calzado, Amy Austria, Jane de Leo, Angel Guardian, Teejar Marquez, Kaila Estrada, Roselle Monteverde ng Regal Films, at marami pang iba.

Kahanga-hanga ang akting na ipinakita ni Kira na sa umpisa pa lang ay nai-establish na ang role bilang si Gabriel Sinag. Masayahing bata bagamat may iniinda na bukod sa may sakit ay maagang naiwan ng mga magulang. Mahal din ng screen si Kira na bukod sa ganda, epektibong aktres.

Si Kelvin si Sol na may pagkamasungit ang karakter. Pero ang laging pagtatagpo nila ni Kira bilang sina Sol at Gab ay epektibo at kitang-kita ang chemistry. 

Showing na ang Chances Are, You and I sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …