Thursday , April 3 2025
shabu drug arrest

 6 tulak ng droga, timbog sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkakahiwalay na buybust operations sa Navotas City.

Ayon kay Navotas City police chief P/Col.Mario Cortes, dakong 8:05 pm kamakalawa nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa buybust operation sa M. Naval St., Brgy. San Jose sina alyas Bembem, 28 anyos at alyas April 24 anyos, kapwa residente sa nasabing lungsod.

Nakompiska sa mga suspek ang hindi kukulangin sa 10.3 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug price (SDP) value na P70,040 at bust money.

Nauna rito, dakong 12:38 am nitong nakaraang Sabado, 25 Mayo 2024, nang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa isang buybust operation sa Gov. Pascual St., Brgy. Daanghari sina alyas Nognog, 39 anyos at alyas Jason, 36, kapwa residente sa lungsod.

Nakuha sa dalawang suspek ang aabot sa 5.17 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,156 at buybust money.

Sa Goldrock St., Brgy. San Roque, nasilo ng isa pang team ng SDEU sa buybust operation din dakong 1:21 am sina alyas Ryan Bakla at alyas Pido.

Ani Capt. Sanchez, nasamsam sa dalawa ang nasa 5.12 gramon ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,816 at buybust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …