HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung ano ang nalalaman naming baho ng isang male starlet. Una niyang gustong malaman kung kani-kanino na nga raw bang gay sumabit iyon? Gusto rin niyang malaman kung ang male starlet ba ay gay.
Kami ang tinatanong niya dahil may nagsabi raw sa kanya na ang male starlet ay matagal na naming kakilala at posibleng kami ang nakaaalam ng lihim.
Eh ang isinagot na lang namin, “your honor hindi na po namin maalala iyan, kasi lumaki po kami sa farm.”
Hindi ba iyon naman ang usong sagot ngayon, basta gusto mong magtanga-tangahan sabihin mo na lang “lumaki po kasi ako sa farm.
“Wala po akong maalalang kahit na ano dahil wala po namang ganyan sa farm.”