Thursday , April 3 2025
Arrest Posas Handcuff

Nagwala sa kalasingan  
SENGLOT NA MISTER ARESTADO SA BARIL

ARMADO ng baril ang isang lasing na mister habang nagwawala at naghahasik ng takot sa pagwawasiwas ng armas sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Sa nakarating na ulat kay Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 2 nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang lalaking lasing habang nagwawala sa Leongson Ext., Brgy. San Roque at armado ng baril.

               Agad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar kung saan nakita nila ang suspek na nagsisigaw habang may bitbit na baril na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong 3:05 ng madaling araw.

               Nakuha sa suspek na si alyas Boy Armado ang isang improvised firearm na kargado ng isang bala ng kalibre .45 kaya binitbit siya sa himpilan ng pulisya at nakatakdang  sampahan ng kasong paglabag sa Art. 155 ng Revised Penal Code (RPC) at RA 10591. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …