SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BINANSAGANG “lods na kaya kang ipaglaban,” ngayon si Kiko Estrada simula nang ipakita ang transformation nito sa top-rated afternoon series, ang Lumuhod Ka Sa Lupa ng TV5.
Paano ba naman sagaran ang training na ginawa nito sa jiu-jitsu at dedikasyon sa mga maaksiyong eksena niya bilang Norman Dela Cruz sa serye
Kaya naman asahang magpapasiklab ito sa primetime sa bagong yugto nito na magbubukas sa Hunyo.
Sa totoo lang, marami na ang nag-aabang sa pagpapatuloy ng maaksiyong kuwento ng serye, at magandang balita nga na maihahanay na ito sa mga panggabing programa sa TodoMax Primetime Singko ng TV5.
Kaya sabi nga, kabahan na sina Coco Martin at Ruru Madrid dahil tatapatan na sila ng panlaban ng TV5, si Kiko.
Nalalapit na nga ang pagpapakita ng galing ni Kiko sa Lumuhod Ka Sa Lupa sa primetime na kinikilala na ngayonh “new prime leading man” ng kanyang mga tagasubaybay.
Mapapanood ang Lumuhod Ka Sa Lupa tuwing 2:30 p.m. Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng EAT Bulaga sa TV5. At abangan ang Lumuhod Ka Sa Lupa sa TodoMax Primetime Singko ngayong Hunyo.