Sunday , December 22 2024
Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang mga complainant, iba talaga ‘pag may pera ang kalaban sa isang kaso. Pera ang kailangan para manalo!

Kamakailan sa lungsod ng Pasay, isang empleyado ng Pasay City Regional Trial Court matapos aktong tinatanggap ang halagang P6 milyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI). Ang kaso ay nasa sala umano ng isang branch ng Regional Trial Court (RTC) ng lungsod.

Hindi muna binanggit ang pangalan ng JUDGE na umano’y siyang nag-utos o nagbigay ng blessings sa empleyadong nasakote na tatanggap sa P6 milyon.

Hindi pa rin malinaw kung sino at anong kaso sa sala ng isang branch ang sinasabing inaareglo!

Mga tunay na pangyayari mga ‘igan, malaking mga kaso saan mang korte sa ating bansa, ganyan ang sistema. BULOK! Kaya kawawa ang mga naapi o naa-agrabiyado kung hindi ‘dismiss’ ay ‘release for probationary.’

Maraming ganyan sa mga kasong murder dahil may pera ang akusado, ibinababa sa Homicide ang kaso dahil may kaukulang piyansa ang Homicide, sa murder ay wala.

Sa mga kasong rape naman, kadalasan nagiging child abuse at kung madi-dismiss sasabihin ng korte, “no probable cause o lack of evidence”.

Kung maliliit na kaso, magaling magdesisyon ang mga Huwes pero kung malalaking tao ang kalaban, lumuhod ka man sa simbahan mahirap makamit ang hustisya.

Ito ay opinyon ko lang base na rin sa ilang karanasan ng ating mga kababayan.

Bato-Bato sa langit tamaan ‘wag magagalit! It’s the Real Life!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …