Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe SCD Skin Care Gracee Angeles

Lovi Poe kinutya sa kulay, pagiging flat chested; nasabihan pang ‘You won’t make it’

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATIKIM pala ng panlalait si Lovi Poe noong bago-bago pa lamang siya sa showbiz ukol sa kanyang kulay at pagiging flat chested.

Pero dahil sa likas na pagiging stubborn, naapektuhan man, hindi siya tinalo ng mga ang tingin sa sarili’y perpekto at tanging ‘yung mga mapuputi, sexy, may boobs ang pinakamaganda sa mundo.

Ani Lovi sa media conference ng muling pqgpirma niya ng kontrata sa SCD Skin Care bilang ambassador, stubborn siya by nature.

“I was told …I’m gonna share it na lang… that I was never gonna make it because I was dark-skinned. I was never gonna make it because I don’t have… I’m flat chested.”

Sinasabihan din siya noon na chubby siya kaya hindi siya sisikat. Sinasabihan din siya na mag-take ng mga pampaputi tulad ng glutathione pero hindi niya iyon sinunod.

I had a conversation with my manager…I was stubborn. Ako talaga ang stubborn na alaga niya. Sabi ko, ‘Who cares?’ If they don’t like that I’m flat-chested, gagalingan ko na lang sa pag-arte, gagalingan ko na lang in different aspects.

“I may have darker skin color, so what? I had that so-what attitude. You know what, it worked well for me.

“Kasi nga, as I grew older, na-realize ko na all you have to do is take care of yourself, number one. And more importantly love yourself. Everything suddenly pull through. Hindi na siya problema for me. Nawala na siya sa isip ko. I didn’t have to prove myself to everybody else.”

At dahil flat chested natanong ang aktres kung hindi ba niya naisip na magpa-boob job.

Aniya, sumagi rin sa isip niyang magpa-boob job dahil naiinggit din siya sa mga babaeng may side boobs.

But I’m so paranoid, sa totoo lang. I’m too paranoid to do anything like that. So, I’m happy that I didn’t. Because now, I can wear anything I want,” pagmamalaki ni Lovi.

Hindi naman niya itinangging naiinggit din siya sa mga taong may side boobs.

“Sa totoo lang, nakakainggit ‘yung mga taong may side boob. ’Pag nakikita ko sila, sana all.”

Sa kabilang banda, ito ang ikalawang ni Lovi bilang SCD ambassador at masaya siya sa tiwalang ibinibigay ng CEO nitong si Ms Gracee Angeles.

Sa totoo lang gamit na gamit pala ni Lovi ang mga produkto ng SCD. 

Aniya noong wedding preparations niya ay talagang puro SCD products ang ginagamit niya at aminadong gustong-gusto ang mga skin care product nito.

I’m just so happy to be part of this family and thank you so much for having me,” ani Lovi.

Ayon naman kay Gracee, talagang naghahanap sila ng celebrity endorser na babagay sa kanilang skin care product. At perfect na perfect ang morena skin ni Loving sa kanilang mga produkto dagdag pa ang napaka-eleganteng image nito na bagay sa kanilang kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …