Wednesday , June 26 2024

Inasunto ng SSS
4 EMPLOYERS BUKING SA P15-M UNPAID WORKERS’ CONTRIBUTIONS

BUNGA ng patuloy na pagpapatupad ng Social Security System (SSS) sa kampanyang Run After Contribution Evaders (RACE) apat na delingkuwenteng establisimiyento ang inasunot dahil sa hindi pagre-remit sa kontribusyon ng kanilang mga kawani na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Bukod dito, sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na may 655 pang delingkuwenteng establisimiyento ang kanilang kakasuhan na aabot sa P257 milyong kontribusyon ang kanilang hindi inihulog sa ahensiya.

Ayon kay Macasaet, isang restoran na nakapangalan sa isang Juanito Galvez; fire extinguisher’s retail-refilling supplier Chedda General Merchandise; BPO service provider e-Telecare; at car spare parts importer Cinwha Trading Corporation, ang nakitang pinagkaitan ang kanilang 140 kawani sa pagkuha ng benepisyo sa SSS tulad ng mga loan programs dahil sa non-remittance of contributions.

“SSS previously visited the four employers during RACE operations to remind them to pay the contributions of their workers. However, they failed to settle their contribution delinquencies despite receiving violation notices from SSS,” pahayag ni Macasaet. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

San Miguel Bulacan

Mag-asawa tinarget ng tatlong kawatan

ISANG mag-asawang kararating lang sa kanilang bahay ang pinagnakawan ng tatlong hindi pa nakikilalang kawatan …

arrest, posas, fingerprints

7 tulak, wanted na estapador natiklo

NAGSAGAWA ng serye ng operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal …

PNP PRO3

Regional police director sa Central Luzon iimbestigahan sa ilegal na POGO

ANG REGIONAL police director ng Central Luzon ay nasa ilalim ng imbestigasyon kasunod ng pagkakadiskubre …

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …

shabu drug arrest

P.2M shabu kompiskado  
BEBOT, ISA PA, TIKLO SA VALE AT KANKALOO

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang inaresto matapos makuhaan …