I-FLEX
ni Jun Nardo
NAG-RENEW muli ng kontrata si Lovi Poe bilang brand ambassador ng SCD beauty at slimming products. Present din sa contract signing ang CEO na si Grace Angeles.
Eh malaking tulong sa pagiging artista ni Lovi ang products ng SCD kaya naman todo ang tulong niya sa pomotions gaya ng pinuntahan niya sa Baguio.
Kahit malaking artista at maraming movie projects at may asawa, hindi pa rin kaliimutan ang showbiz lalo na sa nagtiwala sa kanya gaya ng manager niyang si Leo Domingue at Mother Lily and Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.
Si Lovi ang artistang nagagawang pagsabayin ang married life at showbiz kaya naman isa ito sa assets niyang nakakahanga, huh!
Congratulations, Lovi and Grace and SCD (Skin Care Depo).