Friday , November 15 2024
Vilma Santos Bryan Dy Antoinette Jadaone Dan Villegas

Vilma Santos, Bryan Dy ng Mentorque gagawa ng pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KOMPIRMADONG na-enjoy ni Ms Vilma Santos ang muling pag-arte kaya naman pagkatapos ng When I Met You In Tokyo na isinali sa 49th Metro Manila Film Festival last year, masusundan pa ang paggawa nito ng pelikula.

Tila isinantabi na muna talaga ni Ate Vi ang politika kahit marami sa mga kababayan niyang taga-Batangas ang humihiling sa kanya na muli siyang tumakbo.

Anyway, nalaman namin ang posibilidad ng muling paggawa ng movie ni Ate Vi sa pakikipag-usap ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kay Mentorque producer, Bryan Dy via zoom dahil hindi ito nakarating sa pa-dinner niya  noong Sabado ng gabi dahil sa sobrang trapik. Manggagaling pa kasi noong gabing iyon si Bryan mula sa pakikipag-meeting kay Ate Vi. And knowing Ate Vi, kapag masaya at excited, umaatikabong kuwentuhan ang nagaganap.

Sa nasabing meeting kasama sina direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas, at pagkatapos na pagkatapos ay si Ate Vi mismo ang nag-post sa social media nito ng kanilang pictures na nagpapahiwatig ng magandang usapan nila.

May caption iyong, “Enjoy our talk (heart emoji and smiley).”

May post din si Ate Vi ng pictures na kasama si Bryan gayundin sina direk Antoinette, Dan, Omar Sortijas, Warren Catarig, Ron Angeles, Rona Banaag and Catsi Marie na naka-thumbs up.

Ini-repost naman ng Project 8 Projects nina direk Antoinette at direk Dan ang post ni Bryan ng mga picture nila na may caption na, “Ate Viiiiiiiiiiii (heart emoji).” Na kung pagbabasehan ay tila may kilig factor ang caption.

Sa post naman ng Mentorque produ, may caption iyong, “Thank you Mam Vilma Santos Recto for sharing your valuable time, knowledge and wisdom!

“Thank you Dan Villegas, Antoinette Jadaone, Omar Sortijas, Warren Catarig, Ron Angeles, Rona Banaag and Catsi Marie kahit asa malayo ka hahaha

“Mentorque X Project 8 Projects X Vilma Santos-Recto

Description: 😁Description: 😁Description: 😁Description: ❤️Description: ❤️Description: ❤️

Ayon kay Bryan, apat na pelikula ang nakatakdang gawin ng Mentorque sa isang taon. Advocacy kasi niya na matulungan talaga ang movie industry kaya ‘yung kinita ng Mallari na entry nila sa MMFF last year paiikutin lang niya para makapag-produce ng marami pang de-kalidad at makabuluhang pelikula.

Ukol naman sa pelikulang gagawin nila with Ate Vi, sinabi nitong, “Ayaw kong i-pressure na filmfest-filmfest. Pero I want it na babaran natin siya na quality film. 

“I want it to be a quality film for Ate Vi and we’re working with Dan Villegas,” sabi ni Bryan.

Hindi ikinaila ni Bryan na nag-eenjoy sila sa paggawa ng pelikula. “Nag-eenjoy talaga kami. We’re very happy. I’m more…ayaw kong madaliin ang pelikula and kailangan namin it has to be good quality, lalo na siya (Vilma) na ang involve ‘di ba?! 

“Maghihintay kami. We will look forward at si Ate Vi na talaga ang naunang nag-post,” nangingiting turing ni Bryan. “Nagulat din sina Dante kanina, nagpaalam din sila kung pwedee mag-post. And I said ‘yes.”

Sinabi pa ni Bryan na hindi pa nila tiyak kung isasali sa 50th Metro Manila Film Festival ang pelikulang gagawin nila with Ate Vi.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …