Monday , December 23 2024
Vivamax 11 Million

Yen Durano bagong reyna ng Vivamax;  11 mga baguhan ibabandera husay, galing sa pag-arte 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKAS pa rin sina Angeli Khang at Azi Acosta  (na nag-reyna noong 2023) subalit mas malakas makahatak ang mga pelikula ni Yen Durano ngayong taon. Ito ang nalaman namin kay Vincent del Rosario, Viva Communications Inc., President and COOsa isinagawang media conference sa paglulunsad ng 11 mga bagong artista nila sa Vivamax kamakailan.

Malakas pa rin pareho (Angeli & Azi) pero this past months Yen Durano caught up, malakas ang mga movie niyang ginagawa. Then some of the comvinations ng mga bagong artists natin. 

“Sa back to back, they’re gaining popularities and gaining views, sina Azi pa rin, Angeli, consistent then si Christine Bermas malakas din at siyempre si Yen nga. 

“Hopefully among the 11 ‘yung mga ibang kasama natin dito can also attract the same viewerships sa mga project nila,” ani Vincent.

Samantala, isang milestone ang muling natamo ng Vivamax ngayong mayroon na itong 11 Million subscribers. Apat na milyon agad ang nadagdag sa loob lamang ng isang taon. June 2023 nang ipagdiwang din ng Vivamax ang 7M subscribers na unang pinakilala sa publiko noong January 2021, at ito pa rin ang fastest growing video-on-demand service sa bansa.

Sa ngayon, halos 500 titles na ang mapapanood sa Vivamax. Malapit nang umabot sa 200 ang mga original Vivamax content. Bawat linggo ay may bagong pelikulang ipinalalabas. Ito ay patunay na to the max talaga magpaligaya ang Vivamax.

Kasabay ng pagdiriwang ng 11-million milestone, ipinagmamalaking ipinakikilala ng Vivamax ang 11 baguhan at naggagandahang artista nito.

Una na si Dyessa Garcia na unang lumabas sa Tuhog at Araro noong 2023 at sinundan agad ng major role sa Dilig nitong January at Kabit noong February.  Naging number one ang pelikula niyang Sweet Release nitong April, na nakasama niya ang Vivamax Princess na si Ataska, at naging maalab ang kanilang mga eksena.  

Marami namang nahibang kay Rica Gonzales simula nang lumabas sa Hibang. Hindi lamang ganda ng katawan ang ipinakita niya, kundi ang pagiging versatile sa mga sumunod niyang pelikula. Isa siyang mapanlinlang sa Dilig, mapusok na nobya sa Mapanukso, sakiting asawa sa Kapalit, at sexy dancer na nais magbagong-buhay sa Dayo.

Nakasama naman si Christy Imperial sa mga pelikulang The Rain in España, La Querida, Dirty Ice Cream, at Asintado. At kahit  na pinasok niya ang mundo ng showbiz, pinagpapatuloy ni Imperial ang kanyang pag-aaral at ang iba niyang interes gaya ng swimming, volleyball, at modelling.

Si Arah Alonzo ay unang lumabas sa Araro at Sex Games noong 2023. Ngayong taon, pinag-init niya ang Vivamax sa pelikulang Kalikot at Stag. Bata pa lang siya ay marami nang sinalihang acting workshop. Sumali rin siya sa Sexy Babe sa It’s Showtime. Nagbukas ang mga oportunidad sa kanya sa tulong ng manager na si Jojo Veloso.

Si Vern Kaye naman ay may talento sa pagkanta at pagsasayaw at pagdating sa pag-arte naisabak na siya sa papel na taksil na asawa sa Kasalo na kasama niya si Albie Casiño. Sa Salitan,  sumiping siya sa isang estranghero gayong kasal siya sa karakter ni Nico Locco. Marami pang dapat abangan kay Vern Kaye.

May dugong Pinoy, Espanyo, Kuwaiti naman si  Athena Red. Nag-aral ng culinary at naging modelo. Siya ay magaling magpatawa, pero seryosong-seryoso sa pag-aartista. Maraming inihahanda ang Vivamax para sa kanya. Una rito ang pelikulang  Ang Pintor at ang Paraluman.

Bata pa lang ay pangarap na ni Alessandra Cruz ang maging artista. Siya ay nadiskubre sa talent agency. Malaki ang pasasalamat niya sa pagiging bahagi ng Vivamax at excited siyang matutunan pa ang maraming bagay at makabilang sa mga nakai-inspire na artista. Nurse Abi ang una niyang pelikula na ipalalabas sa July.

Unang lumabas si Jenn Rosa sa Araro noong 2023. Ngayong Mayo, isa siya sa mga bida sa Kulong na iikot ang kuwento sa tatlong magkakaibigang gustong makapagsulat ng bigating pelikula. Hahanap sila ng sexual adventures para maging tema ng kanilang kwento. Bumibida rin siya sa TL na palabas na ngayon sa Vivamax.

Tubong Pagadian City, Zamboanga del Sur, si Candy Veloso na walang balak mag-artista noong una. Pero nang mag-viral ang pagsali niya sa segment ng It’s Showtime na Expecially For You, naging interesado na siya hanggang naging manager si Jojo Veloso. Espesyal sa kanya ang first acting experience sa Kapalit at ngayon ay mapapanood siya sa Dirty Ice Cream. 

Maraming acting workshop ang dinaluhan ni Mariane Saint bilang paghahanda sa mga proyekto sa Vivamax. Una rito ang Top 1. Sa kanyang mala-anghel na mukha, tiyak maraming maaakit kay Saint. Hindi ito nakalilimot na magpasalamat sa kanyang manager na si Lito De Guzman, at malaki ang pag-asa niyang makamit ang professional growth.

May talent sa pagiging DJ si Skye Gonzaga  kaya’t binigyan siya ng kontrata bilang official DJ artist sa ilalim ng Viva Artist Talent Management. Hindi lang galing sa pagsasalita kundi husay sa pag-arte ang handa niyang ipakita sa Vivamax. Abangan ang kanyang pelikulang Only Friends at Ang Pintor at ang Paraluman.   

Maraming artista na ang inangat ng Vivamax bilang mga tunay na artista, tulad na lamang nina Angeli, Azi, Yen, Christine, Robb Guinto, Angela Morena, Micaella Raz, at AJ Raval. Dahil sa reality show na Pantaxa (extreme 4play), nabigyan ng pagkakataon sina Aiko Garcia, Apply Dy, at Angelica Hart na patunayang karapat-dapat silang maging VMX Crushes. Ngayon, panahon na para sa 11 baguhang artista na ibandera rin ang kanilang ganda at husay para maging ganap na bituin.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …