MA at PA
ni Rommel Placente
NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nauusong challenge sa social media, na sinalihan din ng iba pang artista at mga personalidad. Ito ay ang Piliin Mo Ang Pilipinas challenge.
Ipinakita ni Vice ang iba’t ibang social issues na kinakaharap ng bansa mula sa hirap na dinaranas ng mga komyuter at ng mga drayber na apektado sa pag-phase out ng mga tradisyonal na pampasaherong jeep. Ang mataas na building na nagmistulang “photobomber” sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, ang kontrobersiyal na resort sa gitna ng Chocolate Hills, at ang usapin ukol sa West Philippine Sea.
Sa huli ay sinabi ng komedyante na kahit ang daming mga isyu ng bansa, pipiliin niya pa rin itong mahalin.
Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News ay inamin ni Vice na talagang inisip niyang maige ang kanyang magiging atake sa viral video para maipaabot ang kanyang nais iparating sa madlang people.
“Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose. Contrast siya. ‘Yong Pilipinas kasi hindi lang siya puro maganda.
“Ang realidad ay mayroon ding hindi magandang sitwasyon, mayroong hindi magandang bahagi ang Pilipinas. Pero ano’t anoman ‘yan, pipiliin mo pa rin siya at ipaglalaban mo ang Pilipinas,” pagbabahagi pa ni Vice.
Sa kabila ng pagiging proud sa bansa, ay dapat aware rin ang mga tao sa mga isyu na ating kinakaharap.
“Bukod sa ipinagmamalaki natin ‘yong magagandang aspeto ng Pilipinas, dapat gising at aware rin tayo sa katotohanan, sa hindi magandang katotohanan sa paligid natin. Hindi puwedeng ‘yong maganda lang ang alam natin.
“Maganda rin ‘yong alam natin ‘yong hindi magagandang bahagi nito.
“Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose,” sey pa ni Vice.