Thursday , April 3 2025
Malabon Police PNP NPD

Miyembro ng ‘Rosales’ criminal gang, arestado sa baril

INARESTO ang sinabing isang miyembro ng criminal gang matapos inguso sa mga pulis na may dalang baril habang gumagala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas Kulot, 50 anyos, na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap ng impormasyon mula sa isang impormante ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang gumagala sa Liwayway St., Brgy. Bayan-Bayanan.

Kaagad nagtungo sa naturang lugar ang mga pulis at doon naaktohan ang suspek na may bitbit na baril kaya agad nilang nilapitan saka inaresto dakong 5:50 pm.

Nakopiska ng mga pulis sa suspek ang isang caliber .22 revolver, kargado ng tatlong bala at walang kaukulang mga papel hinggil sa legalidad nito. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …