HATAWAN
ni Ed de Leon
TUWANG-TUWA ang fans ng isang male starlet kung napapanood siyang nagsasayaw, lalo’t may mga sexy step siya o ipinakikita na ang katawan sa pagsasayaw.
Dahil pogi naman talaga, pinagkakaguluhan siya ng mga babae at baklang fans.
Pero ano kaya ang magiging reaksiyon ng kanyang fans kung makikita nila ang kanyang mga picture na hubo’t hubad at may kasama pang mga bakla sa kama ganoon din ang kanyang mga sex video at iba pa na nasa pag-iingat ng isang baklang naging syota niya at hinuhutan din naman ng pera.
Mabuti mabait pa rin ang bakla, at hindi inilalabas iyon. Kung ilalabas niya iyon sira na ang kinabukasan ng male starlet, wala nang maaasahang career iyon.