Sunday , December 22 2024
human traffic arrest

12 babaeng biktima ng human trafficking nailigtas ng QCPD

NAILIGTAS ng Quezon City Police ng 12 biktima ng human trafficking habang nadakip ang dalawang suspek sa entrapment sa isang spa sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Redrico A. Maranan, ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng District Women and Children Concern Section (DWCCS) sa ilalim ni P/Maj. Rene Balmaceda at District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan ni P/Maj. Wilfredo Taran, Jr., nitong Lunes ng gabi.

Nadakip ang may-ari ng Mira Spa, residente sa Brgy. West Fairview, Quezon City, at isang lalaking   cashier ng Mira Spa, residente sa Brgy. East Fairview, Quezon City.

Ayon kay Maranan, nakatanggap ang DSOU ng sulat mula sa Quezon City Business Permits and Licensing Department (QC-BPLD) kaugnay ng illegal activities ng Mira Spa na matatagpuan sa Reylila Building 47, corner Mercury St., Commonwealth Ave., Quezon City.

Sinasabing ang spa ay nag-aalok ng ‘extra service’ sa mga kustomer bukod sa massage therapy.

Agad nagsagawa ng surveillance ang DWCCS at DSOU. Nang magpositibo ang impormasyon, kasama ang Social Services Development Department (SSDD) ikinasa ang entrapment dakong 10:20 pm, nitong Lunes, 13 Mayo 2024.

Nagpanggap na kustomer ang isang pulis na inalok ng ‘extra service’ ng babaeng masahista. Dinakip na ang may-ari at cashier ng spa habang sinagip ang 12 masahista.

Ang 12 nailigtas ay nasa pangangalaga ng QC-SSDD.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act as amended by RA 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022).

               “Ito ay magsisilbing babala sa mga taong gumagawa ng ganitong ilegal na aktibidad dahil mabigat ang parusa ng batas dito, may pagkakakulong mula 20 hanggang  40 taon at multang hindi bababa sa isang milyong piso pag natunayang nagkasala,” pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …