Sunday , December 22 2024
Baby Hands

64-anyos batas sa pagpapaanak nais palakasin ng Kamara

NAKATUON ngayon ang Kamara de Representantes sa pagpapalakas ng 64-anyos batas na sumasaklaw sa propesyon ng mga komadrona.

Ayon kay Rep. Salvador Pleyto ng Bulacan, napapanahon nang baguhin ang batas upang makahabol sa bagong teknolohiya at pandaigdigang kalakaran sa pagpapaanak.

Nais ni Pleyto na ibasura ang dalawang lumang batas upang magkaroon ng bago at tugma sa panahong kasalukuyan.

Isinumite ni Pleyto ang House Bill 10079 (Philippine Midwifery Act) na naglalalayong pag-ibayuhin ang “midwifery profession” sa bansa.

               Kapag naisabatas ang panukala, babawiin nito ang  Republic Acts 2644 o ang Philippine Midwifery Law, at RA 7392 o ang Philippine Midwifery Act of 1992.

“There is a need to address the challenges in the midwifery profession to become well-equipped and highly-skilled in offering quality healthcare services for the Filipino people locally,” ani Pleyto, ang pangunahing awtor ng panukala.

Kasama ni Pleyto bilang awtor ang mga mambabatas na sina Reps. Migs Nograles (PBA), PM Vargas (Quezon City), Luis Campos (Makati City), at Ron Salo (Kabayan).

“This bill is equipped with provisions that will help existing midwives to gain more knowledge in the practice of their profession. This is a tribute to our midwives who have been serving our country for almost all their lives,” giit ni Pleyto.

Nakapaloob sa panukalang HB 10079 ang pagbuo ng  “Board of Midwifery” na may limang miyembro na direktang nasa ilalim ng Philippine Regulatory Commission. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …