Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robinhood Padilla Cup Mistah Shootfest

Mariel niregaluhan ni Robin ng baril

ni ALLAN SANCON

NAGING matagumpay ang kauna-unahang The Robinhood Padilla Cup: 1st Mistah Shootfest na ginanap sa Shooting Range ng Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City na nagsimula noong May 2-May 5, 2024.

Layunin ng proyektong ito ni Sen. Robin Padilla na makiisa sa pagiging Responsible Gun Owner at umaasa siyang matulungan ng shootfest na baguhin ang pag-iisip ng mga sibilyan tungkol sa baril bilang kasangkapan ng karahasan at sa halip ay ituring ito bilang kasangkapan para sa pagdipensa sa sarili.

Inorganisa rin ni Sen. Robin ang programang ito para sa kanyang mga celebrity friend. Kabilang sa mga artistang lumahok sa apat na araw na pagdiriwang ay sina Jestoni Alarcon, Archie Alemania, Karla Estrada, Gene Padilla, Cesar Montano Mark Andaya, Jong Cuenco, Ice Martinez, Dennis Padilla, Sophia Asistio, Emilio Garcia, Sid Lucero, Ayisha Asistio, Bobot Mortiz, Rob Sy, Roi  Vinzon, Leandro Baldemor, Eric Nicolas, Carmella Ford, Efren Reyes, Joaquin Domagoso, Jeffrey Santos,Nadia Montenegro at marami pang iba. Siyempre present din ang maybahay ni Robin na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Kasama ni Robin  ang PMA Banyuhay Class of 2002  sa pag-organisa ng shootfest na ito. Nakalikom ng P800,000 ang programang ito para sa scholarship ng rebel returnees.

Ikinuwento ni Mariel na isang Pasko ay niregaluhan siya ng kanyang asawa ng baril at tinuruan siya nitong humawak ng baril para maipagtanggol ang sarili laban sa masasamang loob.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …