Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Molina Jerald Napoles KimJe

Kim at Jerald naitago ilang beses na paghihiwalay

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic at habang ginagawa nila ang isa nilang pelikula sa Viva Films ay naghiwalay pala sina Kim Molina at Jerald Napoles. Ito ang inamin ni Kim sa isang interview.

Ito ‘yung mga unang linggo ng pagli-live in nila ni Je noong 2021 makalipas ang ilang taong relasyon bilang magdyowa.

Nagsimula ang lahat nang mag-away sila habang ginagawa ang pelikula nilang  Ikaw at Ako at ang Ending.

“Ang suwerte ko lang kasi katulad niya (Jerald) ‘yung kasama ko sa buhay at saka ka-loveteam. Hindi talaga mahahalata ng mga katrabaho namin na may nangyayaring pag-aaway or anything.

“Like, may ginawa kaming pelikulbefore na hindi alam ng lahat na nag-break kami. Share ko lang sa inyo, ang tagal na naman nito,” sabi ni Kim.

Patuloy niya, “During pandemic po kasi, adjustment. First time rin namin na magka-live in ni Je. So, ‘yung mga problem namin bilang magdyowa, nagkasama-sama, na-pile up. First time namin magka-live in.

“Lahat naman ng problema namin, hindi namin mapagtuunan ng pansin na pag-usapan kasi kailangan namin kumita.

Kailangan naming magbayad ng bills. Kailangan naming mag-work. Eh, ‘yung ‘Ikaw at Ako at ang Ending,’ nagkataon na mga best friend namin ‘yung mga nandoon.

“Ang direktor namin, si Direk Irene (Villamor). Hindi namin din sinabi kay Irene,” chika pa niya.

Ang nangyari, ang location namin, sa Pagudpud, Ilocos Norte. Nag-away kami, nag-stay kami sa isang cottage. Nag-away kami, ‘Break na tayo!’ Nag-break kami.

“Tapos, tiningnan ko ‘yung sequence guide (sa script), bed scene (ang kukunan) kinabukasan! Paano ko ito gagawin kasi drama po talaga ‘yung ‘Ikaw at Ako at ang Ending.’

“Ito kasi si Je, hindi po kami nakakatulog nang hindi kami nagiging okay. So, naging okay naman po kami after niyong bed scene na hindi naman sa mga kamera!” sey ni Kim sabay tawa.

Dugtong pa niya, “So, basically, naayos naman namin ‘yung aming problema pero walang nakaaalam. Kinabukasan, okay kami, natapos namin ‘yung movie. Ngayon lang namin nasabi, ngayon ko lang talaga naikuwento.”

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na panandaliang nag-break ang celebrity couple.

Kuwento pa ni Kim, “Nangyari na po siya before kahit ‘Rak of Aegis’ (musical play), so we had to fall in love all over again onstage without the people knowing that there’s something happening off stage.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …