Friday , May 16 2025
Kathryn Bernardo Alden Richards

Alden ayaw nang kalkalin relasyon kay Kathryn

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON tuwiran nang sinasabi ni Alden Richards na kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Kathryn Bernardo ay gusto niyang manatiling pribado lamang. Eh kasi bakit mo nga naman hahayaang kalkalin ang mga personal mong buhay. Hindi bale iyong love team nila noon ni Maine Mendoza dahil love team lang naman iyon at hindi totoo kaya natural kung ano man iyon labas sa tv agad. 

Tingnan nga ninyo ang nangyari may ginawa lamang silang eksena ng kasal na talaga namang para sa Kalye Serye lang ng Eat Bulaga pinaniwalaan naman ng iba na talagang ikinasal nga sila at may dalawang anak.

Isipin ninyo may nag-isip pa ngang kasuhan si Maine dahil bakit daw nagpakasal iyon kay Congressman Arjo Atayde eh may asawa na iyon at dalawang anak kay Alden.

Ngayon dahil mukhang totohanan na nga yata, ayaw na ni Alden ng magulo at may nakikialam pa. Tama naman iyon, kung gusto nilang tahimik ang buhay nila, huwag nilang hayaang may makialam sa kanila tutal iyong ligawan naman yata nila sa ngayon ay totohanan at hindi para sa isang pelikula lamang.

About Ed de Leon

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Jeric Gonzales

Jeric gustong maging housemate

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle artist na si Jeric Gonzales na lalong nagiging …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …