BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa bayan ng Toboso, lalawigan ng Negros Occidental nitong Miyerkoles, 8 Mayo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Welmar Tapang, 23 anyos.
Ayon kay P/Maj. Jun Ray Batadlan, hepe ng Toboso MPS, katatapos magpaligo ng kanyang anak ni Tapang nang maisipang palitan ang pundidong bombilya sa kanilang bahay.
Nabatid na basa pa ang kamay ng biktima nang gawin ang pagpapalit ng bombilya na nagresulta sa kanyang pagkakakoryente.
Dinala ang biktima sa pagamutan kung saan siya idineklarang wala nang buhay.