Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
paulo avelino

Paulo mas feel ang love letter ng fans kaysa materyal na regalo

NAKATUTUWA naman si Paulo Avelino. Hindi siya materialistic. Hindi niya sinasamantala ang mga fan niya na nagbibigay ng mga regalo sa kanya. Bagamat naa-appreciate niya ang gesture na iyon ng fans, very vocal niyang sinabi sa kanyang mga tagasubaybay na mas preferred niya ang mga sulat kaysa mga materyal na bagay.

Sey niya sa kanyang mga fan sa X: “Hello, I’m grateful for the material gifts given to me, but as much as I appreciate the gifts and the effort, please stop giving me gifts.I’ve said this before:I prefer handwritten letters rather than luxurious stuff. I hope people understand and don’t get the wrong impression here.”

Sey pa niya, mas pinahahalagahan niya ang mga sulat na natatanggap niya sa fans.

“I keep all the letters given to me,” pahayag niya.

Sa isang entertainment portal, samo’tsari ang naging reaksiyon  ng kibitzers sa kanyang naging post.

Ito ang ilan sa kanilang komento.

“I understand Paulo’s point. And his intentions are wonderful. Imagine how many fans that he has and if each of those would give him gifts, wala siyang mapaglalagyan na. It would clutter his home and it would be distasteful to throw or give away material belongings that were given to you. Masasayang lang kung hindi magagamit ni Paulo.”

“Kung letters naman mas pinag-iisipan iyon ng gumawa and can easily be kept by him.”

“Mas okay nga yan. Atleast alam nating hindi buraot si Paulo Avelino.”

” I appreciate that Paulo took the time to say this. Mas maganda na ito kesa itatapon or kakalat or ipapamigay lang yung gift na hindi naman nya kailangan talaga. Cute nga that he appreciates letters more.”

“dagdag pogi points nanaman kay Paulo.”

“tbh nakakatakot tumanggap ng gift from fans. ang dami issue sa South Korea na nilalagyan ng hidden cam yung mga regalo sa kanila or voice recorder.”

“Pwes dahil dyan Paulo, susulat ako sayo.”

“Susulatan ko siyaaaaaaa kinilig ako sa sinabe niya na tinatago niya ung letters.”

“Mas bet pala ni Paulo ang nilalambing ng sulat.Paging Kim.chinitaprincess, hanap niya ang lambing mo.”

“Shy siya kaya old fashioned. “

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …