Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano Bea Alonzo Ogie Diaz

Ogie sinagot pag-like at pag-repost ni Liza sa demanda ni Bea

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang vlog na Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay nagbigay na ng reaksiyon si Ogie Diaz tungkol sa pag-like at pag-repost ng dati niyang alaga na si Liza Soberano sa demanda ni Bea Alonzo sa kanya kasama si Cristy Fermin.

Sa una ay ayaw sagutin ni Ogie ang isyu na sangkot si Liza, dahil hanggang sa huling sandali ay gusto niyang alagaan ang pangalan nito. Pero napilit din siya ni Mama Loi na kailangan niya iyong sagutin.

“Okay nakita ko nga ‘yun marami ring nag-send sa ‘kin ng screenshots ng pag-repost ni Liza Soberano, sa akin walang problema ‘yun!” sabi ni Ogie.

“Okay lang, karapatan niya ‘yun, eh. Twitter account niya ‘yun eh, or X account niya ‘yun, okay lang karapatan niya ‘yun.”

Patuloy niya, “Sa akin lang, kung makatutulong sa career ni Liza ‘yung pagre-repost niya, eh, ‘di i-repost niya nang i-repost. I will let her repost it again and again, walang kaso sa akin ‘yun.” 

Sa tanong kung galit siya kay Liza, ang sagot ni Ogie, “Hindi ah!”

Paliwanag ni Mama Loi na kapag ini-repost ito ay ibig sabihin sinu-support ito ng taong nag-repost kaya ang tanong kay Ogie ay kung naniniwala siyang suportado ni Liza si Bea kaya niya iyon ini-repost?

“Eh, kayo na ang sumagot comment down below. Kahit dito kapag may maling comment about Liza, kinokorek namin.

“As far as kung gaano ko kakilala si Liza ‘yun ang puwede kong ikuwento pagkatapos niyong sa akin hindi ko na alam kung ano ‘yung attitude niya o behaviour niya noong wala na sa akin. Kaya diskarte na niya ‘yun sa buhay niya,” katwiran pa ni Ogie.

Noong ini-repost niya (sabay iling). Ang tanda-tanda ko na rito (showbiz) kung magtatampo pa ba ko sa ganyan, parang baguhan lang ako?

“Basta alam ni Liza kung ano ang truth sa amin. Kapag may maling nasabi si Liza, kinu-correct ko lang doon lang ako nagko-concentrate sa mali hindi na ako nagpapaka-dig deeper pa. Roon lang ako magpo-focus ‘pag mali.

“Hindi naman ako nagtatampo. Hindi ko alam kung siya nagtatampo sa ’kin or galit whatever. Kasi naghiwalay kami ng maayos.

“Basta ako sa totoo lang anuman ang tahakin ni Liza ay ipinagdarasal ko na sana ‘yung kanyang mga pangarap sa buhay, ‘yung kanyang goals ngayon na sumikat (at) makilala sa Hollywood sana matupad niya,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …