Sunday , December 22 2024
Claudine Barretto  Elaine Crisostomo

Direktor ni Claudine sa Sinag, Vilmanian

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG karangalan para kay direk Elaine Crisostomo na maidirehe si Claudine Barretto sa isang fantasy film, ang Sinag na ipo-prodyus nina Aida Patana at Bea Glorioso.

Ayon kay Elaine nang makahuntahan namin ito sa media conference ng Sinag na ginawa sa Pandan Asian Cafe, ang Sinag ay ukol sa diwata. “Pero ‘yung pagka- diwata ng movie is very classical. Talagang super research kami sa project na ito. May mga bidang artista pa ang inaayos namin. Hopefully maayos na namin. Hopefully Claudine, Gretchen and Marjorie. For sure blockbuster ‘yun.”

“Noong nabasa ko ang synopsis, masasabi ko na ibang-iba ito. Isang karangalan na mai-direct si Claudine. Alam kong magiging blockbuster rin ito,” dagdag pa ng direktor.

Dalawampu’t dalawang taon nang kakilala ni direk Elaine si Claudine na nakilala niya sa pamamagitan ng boyfriend nito noon na si Rico Yan. “After last month nagkatsikahan uli kami ni Claudine then the next day, nagkita agad kami. I have the original script of Sinag at nabanggit ko iyon kay Claudine. Dapat cameo lang siya. Kasi alam ko na very picky si Claudine,hindi siya gumagawa ng pelikula na cameo lang siya.

“Sabi ko hear my story first. Nalaman niya women empowerment, lgbt equality, andoon lahat-lahat. Ayun napapayag siya. Then after four days sinabi niya sa akin na gusto niyang siya magbida sa ‘Sinag.’ At until 7:00 a.m. ginagawa namin ang synopsis at sinaklawan niya agad ang pelikula. Sabi niya ‘ganito gawin natin, ito kunin nating artista.’”

Kinompirma rin ni direk Elaine na magiging assistant direktor talaga niya si Claudine  dahil nakita niya rito kung gaano ka-passionate sa gagawin nilang pelikula. 

Ito bale ang magiging directorial debut niya. Ayaw pa niya eh iniri-release ko na,” nangingiting sabi ng direktor na mas kilala sa pagiging concert director.

“Napansin ko rin na very meticulous sa lahat kaya roon ko siya nagustuhan. Hindi lang pala siya artista na walang pakialam sa script. Talagang mangingialam siya to the smallest details,” pagbabahagi pa ng direktor.

Sinabi rin ng direktor na rito muling makikita ang galing ni Claudine bilang dramatic actress dahil challenging at maraming heavy scenes na gagawin. “From the past na diwata siya na mapupunta siya sa future. Magkaka-anak siya rito, may ganoong mga eksena at wala siyang leading man. Kumbaga rito ipakikita ni Claudine ‘yung mga bagay na hindi pa niya naipakikita sa ibang pelikula o serye na nagawa niya.”

Ukol naman sa posibilidad na pagsasama ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine, sinabi ni direk Elaine na nag-attemp sila at nasa 50-50 chance na matuloy. 

Noong nalaman ko nga kung sino-sino ‘yung mga artistang kinausap ni Claudine, nanginginig talaga ako. Isipin n’yo na lang kung sino-sino iyong mga nakatrabaho niya before. Mayroon isang papable,” na sinundan namin kung si Piolo Pascual ba ito na ngiti lamang ang isinagot sa amin. 

Ukol naman sa kung saan sila magsu-shoot ng Sinag, sinabi ni direk Elain na nag-rent sila ng isang bundok. “Nag rent kami ng isang bundok, ise-set up din namin ang sarili naming studio. Talagang madugo from scratch at ako mismo ang naghanap ng location dahil wala akong location manager, nangitim na nga ako. Gagawa rin kami ng kubo-kubo sa Nasugbu, Batangas at tatagal ang shoot namin ng two months.

“Mahirap kasi ang fantasy and hopefully matapos namin before the submission of entry sa Metro Manila Film Festival,” sabi pa ng direktor.

Target talaga namin ang MMFF kasi pambata at sana ma-rate kami ng MTRCB na general patronage, hopefully,” dagdag pa.

Si direk Elaine ay concert producers muna bago sumabak sa pagdidirehe ng pelikula. “My dream talaga is to be a movie director kaya debut movie ko ito,” aniya. “Pero nag-aral ako ng kapiranggot sa Amerika ng pagdidirek kaya talagang this will be a big challenge for me. I’ve been a director for so many years, concert nga lang. Dito po talaga, nabugbog-sarado ako sa aral dahil sa mga camera angle, mahirap talaga.”

Naidirehe na ni Elaine ang mga concert nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Martin Nieverra to name a few. At ang last concert niya before pandemic ay ang back to back nina Morisette, Ice Seguerra, Joey G and Eraser Head.

Ultimate dream niyang maidirehe si Ms Vilma Santos dahil aminado siyang Vilmanian. “Noranians din kasi nakatrabaho ko rin noong araw si nanay Nora. Everybody knows naman na nagkaroon ako ng artista girlfriend kaya nakatrabaho ko na ang marami sa mga artista tulad nina Cherry Pie Picache, Cherie Gil.”

Ukol naman sa dati niyang nakarelasyong si Desiree del Valle-Labrusca sinabi nitong hindi pa sila nagkikita. “Baka mai-guess ni Claudine kasi nakasama niya iyon, before. Pero ok lang na makatrabaho ko siya kasi happy naman na siya ngayon. I’m happy din with my partner now. It was 22 years ago, magkapatawaran na lang. Kasi never pa kaming nagkaroon ng closure. Umalis kasi ako nagpunta sa States at kakabalik ko pa lang.

“And I wish her well with her kids, her family, stay strong,” sabi pa ng direktor.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …