Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Raymart Santiago

Claudine ‘di muna magdyodyowa hangga’t ‘di pa naa-annul kasal kay Raymart

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALA pang planong makipagrelasyon o makipag-boyfriend si Claudine Barretto. At simula noong naghiwalay sila ni Raymart Santiago taong 2015 wala pang nakakarelasyon ang tianguriang Optimum Star.  

Iginiit ni Claudine na hindi muna siya makikipagrelasyon hangga’t hindi pa naaayos ang kanyang annulment.

“Wala pa ring laman ang puso ko kundi mga anak ko. Sa ilang years kong hiwalay, kasal pa rin ako. Ayokong makita ng mga anak ko na may ibang lalaki na umaaligid or magkaroon ako ng ibang relasyon until matapos ang annulment namin ni Raymart,” giit ni Claudine sa press conference noong Lunes Lunes para sa gagawin niyang pelikula, ang Sinag na pamamahalaan ni direk Elaine Crisostomo.

“Hindi ako nag-a-accept ng suitors ngayon although may mga tsismis pero wala namang proof na mayroon. Sarado ang puso ko ngayon hanggang ma-annulled,” paliwanag pa ng aktres na ikinasal kay Raymart noong March 27, 2006 at nagkaroon ng isang anak, si Santino, 16 at tatlong adopted, sina Sabina, Quiah, at Noah

 Bagamat may problema silang kinakaharap ni Raymart, gusto niyang sa kanila na lamang iyon.

“Kung ano man ang problem namin ni Raymart, sa amin na lang ‘yun. As they grow old (mga anak), alam na nila kung ano ang nangyayari. I explain them that there are things I have to fight for and ‘this is para sa inyo.’ Hanggang doon lang ang explanation ko. ‘Yung mga details wala na,” saad ni Claudine.

Natanong din si Claudine ukol kay Jodi Sta Maria na sinasabing karelasyon ngayon ni Raymart, kung galit ba ang kanilang mga anak sa aktres? Hindi ko alam, I don’t think so. Kasi hindi pa naman nila nakilala pa. Pero alam ko na wala silang balak na kilalanin. That was also for the relationship ni Raymart before Jodi. Hindi pa siguro sila handa sa ganoon,” sagot ni Clau.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …