Friday , November 15 2024
Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at hindi pa nabubuksan o nagagamit ng hindi pa nakikilalang kalalakihan ang bahay ng mga magulang ni Claudine Barretto sa Subic, Zambales.

Bago ito, naaksidente ang kanyang ina sa Market, Market nang minsang mamili ito roon. “Nahulog siya sa escalator. And she’s still in pain. Last week we’re in Subic kasi nga nilooban ‘yung bahay namin.

“Binalikan pa iyong bahay in the 3rd or 4th day, broad day light. Lahat ng regalo ng ate Gretchen ko. And kaka-aayos lang niya ‘yung bahay bilang regalo niya a parents namin,” pahayag ni Claudine nang makausap namin ito sa media conference ng gagawin niyang pelikula, ang Sinag na ididirehe ni Elaine Crisostomo noong Lunes ng gabi.

“Nilooban ‘yung bahay ng mommy at daddy ko, bahay ng Kuya ko kasi magkakatabi lang iyon eh.  Lahat ng mga kagamitan doon bago, pina-landscape pa iyon ng ate  Gretchen ko, lahat ‘yun milyon ang halaga. Talagang na-ransack ang buong place. And we have to rush my mom to the hospital. 

“The best TVs, mga aircon, lahat-lahat! And in four days with the audacity and the nerve ng mga magnanakaw, nawala na ‘yun and nagkahabulan pa sila (mga suspek) ng mga pulis pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nahuhuli, wala pang development.

“And hindi lang kami, ha, pati si ALV (Arnold Vegafria, talent manager niya) napasukan din ‘yung bahay niya. So, feeling namin may problema sa loob ng SBMA. So, sana ‘yung officials ng SMBA at mga officials ng Olongapo, gawan n’yo naman ng paraan,” pakiusap ni Claudine.

“Because this sent my mom almost to the ICU. I almost lost my mom. Kung hindi nakita ni Noah (adoptive son niya), kasi nasa hotel kami that time, eh. So, kung hindi nakita ni Noah ‘yung mommy ko nakaganyan (nakayuko), malamang wala na ‘yung mommy ko.

“We had to rush her to the ER (emergency room) of a hospital in Subic, I’m really thankful sa mga staff doon because napakabilis nilang inasikaso ‘yung mommy ko.

“’Yung BP (blood pressure) niya umabot ng 2010 over…hindi ko na alam kung ano ‘yung mangyayari. And during that time ‘yung taas ng bahay namin, hindi pa nakuha ‘yung mga TV, ‘yung mga aircon.

“And that time naisip ko na iwan ko muna sandali ‘yung mommy ko para kunin na ‘yung mga…and ‘yun ‘yung oras, ‘yung nakita sa CCTV, ‘yung oras na kinuha nila (mga gamit),” pagkukuwento pa ni Claudine. 

“So, it also saved me. So, ‘yun talaga ang pinakaano (concern) ko ngayon, asikasuhin muna ang mommy ko kasi she’s 88 already. At saka na muna ‘yung ibang usapin.

“Para sa akin kasi, at lagi ko naman itong sinasabi, na responsibilidad ng anak na alagaan ang magulang. Kung hindi financially, be there, just be there for them,” sabi pa ng aktres.

Sa kabilang banda, ang Sinag ang pinakabagong pelikulang gagawin ni Claudine na gaganap siyang diwata.

Anang direktor nitong si Crisostomo, madugo ang gagawin nilang shoot na aabot ng two months sa Nasugbu, Batangas. “Mala-Harry Potter kasi ito at gagawin sa ibang bansa ang editing,” ani direk Elaine. 

Ayon kay Claudine, maraming big stars ang kinausap niya para bigyan silang suporta at makasama sa pelikula. At sa mga nakausap niya, marami na ang umo-oo kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan nito.

Ang Sinag ay ipo-prodyus nina Aida Patana, kaibigan ni Claudine at Bea Glorioso. Kasama sa cast sina Daiana Menezes, Dennis Padilla, Angelica Jones at marami pang iba. 

 Naibalita rin ni Claudine na makakatulong magdirehe ni direk Elaine ang kanyang anak na si Santino.

Nasa dugo ni Santino ang pagdidirehe kasi apo ‘yan ni Pablo Santiago at ‘yung mga tito niya nagdidirehe rin, magagaling na direktor,” nakangiting sabi pa ni Claudine.

Nang matanong kung ano ang feeling niya na ididirehe siya ng kanyang anak, nasabi nitong, “kinakabahan ako kasi very perfectionist si Santino, sobrang perfectionist, pati sa damit, maliliit na details, napapansin n’ya.”

Magsisimulang mag-shoot sina Clau ng Sinag sa May 28.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …