Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot ng negosyante at social media personality na si Rosmar Tan ang regalo niyang bahay kay Diwata. Personal pa nagpunta sa paresan ni Diwata si Rosemar para iabot ang kanyang mga regalo.

Si Diwata ang sikat na sikat na may malaki at dinudumog na paresan sa may Pasay.

Kasabay nito, itinanggi ni Rosmar na ginagamit si Diwata kaya binigyan niya ito ng bahay at pera.

Aniya, totoo at sincere ang ginawa niyang pagtulong kay Diwata dahil naniniwala siyang nararapat lang na magkaroon ito ng maganda at masayang buhay.

Bukod sa bagong bahay at P1-M cash, may P5-million worth of products din ang ibinigay kay Diwata.

Binigyan din niya ang tinaguriang “Pares Queen” ng imported Saint Bernard puppy na nagkakahalaga ng P300,000 kasama ang lifetime supply ng dog food.

Hindi po ako nag-iwan sa location ni Diwata ng kahit anong may tatak Rosmar kasi ‘di para gamitin ko siya sa brand ko.

“Busilak ang aking puso sa pagtulong at ‘di para gamitin siya. Bagkus, ibang mga brand ang ibinida ko na mga tumulong sa akin para mabigyan ng 1 year endorsements si Diwata para may monthly ba pumapasok sa kanyang pera.

“Dahil ‘di naman habambuhay malakas siya at ang paresan niya,” sabi pa ni Rosmar.

Naiyak sa sobrang kaligayahan si Diwata nang matanggap ang mga regalo ni Rosmar dahil aniya, matagal nang pangarap niya na magkaroon ng sariling bahay. Sagot sa dasal at dream come true ang natanggap niya mula kay Rosmar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …