Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang pagpapahirap ng mga doktor ng medisina sa mga pasyente gaya ng pagrereseta ng mga mahal na gamot dahil kapalit nito ay mga komisyon o magagarang sasakyan sa mga pharmaceutical company.
Bawat doktor ayon kay Go ay may reward o komisyon na tinatanggap sa bawat inireresetang mga gamot.
Ayon sa Senador, buhay ng pasyente ang kapalit kaya dapat pangalagaan ang mga pasyente na kadalasan sa hindi makayanang halaga ng gamot na inireseta ay hinihintay na lamang ng pasyente ang paglala ng sakit na nagiging sanhi ng maagang kamatayan dahil hindi kaya ang sobrang mahal na gamot.
Meron namang mga alternatibong gamot na mura lamang ang presyo. Pakiusap ni Go sa mga doktor, huwag lagyan ng conflict of interest ang pagrereseta ng gamot para lang may malaking komisyon.
Dagdag i Go, ang pagdodoktor ay serbisyo at hindi lamang para kumita nang malaki na ang ang kawawa ay mga pasyente.
For the first time, Las Piñas City malamang magkagulo sa 2025 elections
Sa kauna-unahang pagkakataon, magiging sentro ang Las Piñas City na mapag-uusapan sa darating na 2025 local elections.
Ito ay sa kadahilanang putok na putok na sa siyudad ang pagbaba ni Senator Cynthia Villar bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, habang ang anak nitong babae ay tatakbong Senadora sa national elections sa May 2025.
Usap-usapan na ang anak ni Mayor Imelda Aguilar na si April Aguilar-Nery na kasalukuyang Las Piñas City vice mayor ay tatakbo for mayor at babanggain ang tiyahin na si Senator Cynthia Villar na utol ni former Mayor Vergel “Nene” Aguilar na namayapa na.
Kung totoo ang umuugong na balitang ito sa siyudad ng Las Piñas, magulo nga!
Ang tanong saan sasama sina Councilor Mark Santos na top councilor ng District I at si Councilor Henry Medina ng District 2.
lsama pa natin ang beteranong politiko na si Councilor Louie Bustamante na naging bise alkalde noon?
Ewan natin baka biglang umihip ang hangin, at ang magtiyahing Cynthia at April ay biglang magsama. Sabi nga “blood is thicker than water.”