Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vhong Navarro Cedric Lee Deniece Cornejo

Cedric, Deniece guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAHATULAN ng guilty beyond reasonable doubt sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro.

Ang hatol laban kina Cedric, Deniece, at dalawa pang repondents na sina Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero, ay binasa sa Taguig Regional Trial Court Branch 153, kahapon, May 2. Ipinag-utos din ng korte ang pag-aresto sa apat para sa parusang “reclusion perpetua” o habambuhay na pagkakakulong.

Ang naturang kaso ay nag-ugat sa pambubugbog, paggagapos, pananakot, at pagditine ng mga apat na akusado kay Vhong sa condo unit ni Deniece sa Taguig City, noong January 22, 2014.

Ang court order kina Cedric, Deniece at dalawa pa ay kinompirma ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga.

Hindi present sina Cedric at Ferdinand nang basahin ang hatol.

Inutusan ng korte ang mga akusado na bayaran si Vhong ng P100,000 in civil indemnity, P100,000 as moral damages, at P100,000 bilang exemplary damages.

All monetary awards shall earn legal interest rate of 6% per annum from the finality of the judgment until fully paid,” ayon sa desisyon ng korte.

Pwede pang iapela ng kampo nina Cedric at Deniece ang desisyon ng korte.

Samantala, feeling vindicated ang aktor sa inilabas na hatol ayon kay Atty. Mallonga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …