Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz 2

Bea nagsampa ng mga kaso laban kina Cristy at Ogie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGHAIN si Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber libel laban kina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Kasama ni Bea sa paghahain ng kaso ang abogadong si Atty. Joey Garcia at ang kanyang manager na si Shirley Kuan.

Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni Nelson Canlas ng GMA, dumulog ang aktres sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber libel case laban kina Tita Cristy at Ogie kasama ang mga co-host nila sa kani-kanilang online showbiz programs.

Base sa complaint affidavit ng Kapuso actress, naging biktima siya ng mali, malisyoso, at mapanirang impormasyon na galing sa nagpapanggap na malapit sa kanya na siyang pinag-usapan sa mga show ng veteran columnist at online host na sina Tita Cristy at Ogie na wala naman daw basehan. 

Kasama na rito ang umano’y paninira kay Bea sa kanilang mga show kabilang na ang umano’y ‘di pagbabayad ng tax.

Kasama rin sa sinampahan ng kaso ang isang netizen na nagpapanggap na malapit sa aktres.

Wala pang inilalabas na pahayag sina Tita Cristy at Ogie sa isyung ito.

Bukas ang Hataw para sa pahayag nina Bea, Cristy, at Ogie ukol sa kasong kinakaharap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …