Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Alden Richards  Queen of Tears

Alden at Kathryn wagi sa poll para gumanap sa Pinoy adaptation ng Queen of Tears

MA at PA
ni Rommel Placente

PINAG-UUSAPAN  ngayon lalo na sa social media ang K-Drama na Queen of Tears. Ang dami talagamg nahu-hook dito at marami rin sa celebrities ang sumubaybay.

Isa na si Gelli de Belen sa napa-status na, “Hay, this show. I have no words, just emotions. All sorts of emotions.”

At dahil nga sobrang nag-hit ang Queen of Tears na noong April 28, nagtala ng nationwide rating na 24.850% sa South Korea, at itinanghal na highest-rated tv series. Kinabog nito ang record ng Crash Landing on You.

So heto na ang mga Pinoy at nag-iisip na o naghahanap ng mga local star na puwedeng gumanap bilang si Hae-in na ginampanan ni Kim Ji Won at Hyun-woo na ginampanan naman ng highest paid actor in Korea na si Kim Soo Hyun.

At ang pinakamaraming boto sa poll, gayundin sa mga comment ng mga netizen ay sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang gusto ng mga netizen na mag-adapt nito sa PH version.

Dahil nga lang sa tagumpay ng Queen of Tears, kaya ito naiisip na sana magkaroon din ng Pinoy version, pero as of presstime, wala pang ganyang talks or kung magkaroon man, wala pa naman nakakakuha ng rights.

Malaking bentahe nga lang kina Kathryn at Alden na kahit ang sequel ng Hello, Love, Goodbye ang nakatakda nilang gawin, eh, sila pa rin ang napipisil ng netizen.

Well, bagay nga kina Alden at Kathryn na magbida sa Queen of Tears. Sana ay mag-collab uli ang GMAat ABS CBN at gawin nila ang Pinoy version nito. At sina Alden at Kathryn nga ang gawin nilang mga bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …