KAYANG-KAYA pa rin ni Gary Valenciano ang mahabang concert na umaapaw pa rin ang energy mula simula hanggang pagtatapos.
Damang-dama kay Gary ang energy sa napanood naming concert niya na One Last Time sa Mall of Asia Arena noong April 7.
Ayon sa guard na nakausap namin, 12 midnight natapos ang concert sa unang gabi nito.
Gaya ng dati, kayang-kaya ni Gary na pasayawin ang lahat ng manonood at sabayan ang pagkanta niya.
Ang nakaraang concert ni Gary ay muli niyang ginawa sa malaking stage after 10 years. Matatagalan pa bago siya tumuntong sa malaking stage dahil maliliit na performance venue ang target niya.
Congratulations, Gary V!