Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Daniel Padilla Andrea Brillantes

Daniel ‘di pa man santo marami ng ‘milagro’

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG maliwanag lang sa lahat, nagka-split lang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang umamin si Andrea Brillantes mismo kay Kath na gumawa sila ng “milagro” ng aktor nang sila ay malasing sa bahay niyon. Hindi halikan at yakapan lang iyon dahil magdamag ang “milagro,” talagang one night stand. 

Sa ngayon inaamin na rin ni Andrea na mali siya at tanga siya dahil naniwalang mahal siya ni Daniel nang gawin nila iyon. Eh siya naman self confessed na bata pa siya ay crush na niya si Daniel. Para sa kanya, ang “magdamag na milagro” ay katuparan ng isang matagal na pangarap. Kaso nang magkabukuhan, iba ang nangyari. Medyo umiwas sa kanya si Daniel at sinabihan pa siyang “ayusin mo iyan” kaya naman inamin niya iyon kay Kathryn sa paniwalang maaayos na nila iyon.

Naayos naman talaga dahil nakagawa ng isang mahusay na desisyon si Kathryn, Nakipag-split siya kay Daniel. Aba bakit nga hindi 11 taon silang nagkasama, hindi naman nakipag-syota sa iba si Kathryn kahit na marami ang may ambisyon ding manligaw sa kanya. Ang feeling nga niya dapat maging loyal din siya kay Daniel, pero natuklasan niyang dahil lang sa alak may natuloy na balak.

Ibig sabihin sa tuwing malalasing iyon may magaganap na milagro? Ayaw naman siyempre ni Kathryn ng ganoon kaya nakipag-break na lang siya.

Umaasa si Daniel na in the end babalik pa rin sa kanya si Kathryn dahil 11 taon nga silang magkasama. Kaso hindi lang pala si Andrea kundi may “limang iba pang milagrosa.”

Kaya sa greetings ni Kathryn na huli na rin dumating, bumati siya ng, “Happy birthday cheater. Even cheaters have the right to enjoy their day. Sino ba sa 6 ang kasama mo.”

Maliwanag na may nalamang limang iba pa si Kathryn. Sino-sino nga kaya ang mga iyon? Iyon kaya iyong mga in-unfollow ni Kathryn sa social media? Kung iyon, iyon mismo marami rin palang natapakan si Daniel, at kung lalabas iyan baka isang araw may bigla na lang sumapak sa kanya. Isipin mo kung wala kang kamalay-malay iyon pala may sunong ka nang hindi maganda sa ulo dahil ang syota mo napasukan ni Daniel at nagmilagro. Isipin mo nga naman si Daniel ano, hindi pa nagiging santo marami na palang ginawang milagro.

Pero hindi lang naman siya ang may kasalanan niyon. Matindi rin ang kasalanan niyong limang milagrosang babae bukod kay Andrea kung sino man sila.

May iba pa ngang mga milagro, na nababalita riyan sa barangay Santa Cruz, pero hindi pa naman artista si Daniel noong nakatira sila roon at wala pa sila ni Kathryn noong mga panahong iyon kaya ibang kaso na iyon.

Kaya naman pala noong birthday mismo ni Daniel habang kumakanta siya ay may bigla siyang naisigaw na “PI may kapiling na siyang iba.”

Ay oo naman, mapapa-PI ka talaga dahil ang nawala sa iyo ay hindi lang isang mahusay na syota kung hindi isang kaagapay mo sa kinabukasan at lakas din ng iyong career. Isipin mong mawawala iyon ng ganoon na lang?

Pero ang iniisip talaga namin ngayon ay sino kaya ang limang “milagrosa ring babae” na natuklasan ni Kathryn? At tama sila sa pagsasabing napakatanga ni Kathryn kung babalikan pa niya si Daniel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …