Friday , November 15 2024
Valenzuela namahagi ng cash subsidy, groceries sa Solo Parents

Valenzuela namahagi ng cash subsidy, groceries sa Solo Parents

BILANG bahagi ng paggunita ng Solo Parents’ Day, namahagi ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng cash subsidy, grocery gift certificates at nego-cart sa mga kalipikadong solo parents na ginanap sa People’s Park Amphitheatre at WES Arena.

Nasa 4,583 rehistradong solo parents ang pinarangalan at kinilala sa kanilang katatagan sa pagpapalaki ng kanilang sariling pamilya, alinsunod sa City Ordinance No. 1087, Series of 2023, na nagdedeklara sa ikatlong linggo at ikatlong Sabado ng Abril ng bawat taon bilang Solo Parents Week at National Solo Parents Day.

               Sa isang linggong pagdiriwang, namahagi ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansiyal sa mga kalipikadong 487 solo parents na nagkakahalaga ng P1 milyon sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act (RA 11861).

Ayon sa batas, ang mga karapat-dapat na solo parents na kumikita ng minimum wage at mas mababa ay may karapatan sa P1,000 cash subsidy kada buwan, kaya ang Valenzuela ang unang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang namahagi ng nabanggit na benepisyo.

Bukod sa tulong pinansiyal, pinangunahan din ni Mayor WES Gatchalian ang dalawang araw na pamamahagi ng P500 grocery gift certificates sa mga solo parents sa lungsod at mga negosyo cart na tinatawag na nego-carts na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa.

Ang Valenzuela LGU ay nagpahayag ng kanilang pangako na suportahan ang bawat miyembro ng pamilyang Valenzuelano lalo ang Solo Parents, at patuloy na tugunan ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang aktibidad at hakbangin.

Para sa mga solo parent na hindi pa nakapag-parehistro sa Valenzuela, hinihikayat sila ng pamahalaang lungsod na mag-sign up para sa Solo Parent ID na maaari silang bumisita sa City Social Welfare and Development Office sa City Hall, o sa Solo Parents Valenzuela Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …