Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris malusog, maayos ang hitsura

MA at PA
ni Rommel Placente

NABUHAYAN ng pag-asa ang maraming fans ni Kris Aquino nang makita ang isang video post ng TV host-actress na mukhang malusog ngayon sa gitna ng pakikipaglaban sa mga sakit na autoimmune diseases.

Sa TikTok na ibinandera ni San Fernando, Pampanga Mayor Vilma Caluag, mapapanood na nagkaroon ng simpleng salo-salo para sa 17th birthday celebration ng bunsong anak ni Kris na si Bimby.

Makikita rin sa video si Kris na nakangiti at ipinapakita ang suot niyang sweater na ang nakalagay ay, “You deserve to be happy.”

Naikuwento rin ni Kris kung paano niya nakilala at naging kaibigan ang alkalde ng Pampanga.

We’re very, very happy with our friend. Ten months ago, nakilala namin si Mayor Vilma,” sabi ni Kris.

Sa comment section, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa dahil ayon sa kanila ay mukhang gumagaling na si Kris.

Narito ang ilan sa mga comments.

Parang much better na siya tignan now; feel ko gagaling na siya.”

“It looks like Ms. Kris is recovering. Praying na magtuloy tuloy na paggaling niya.” 

Unti-unti na nagiging OK si Miss Kris.”

“Sana tuluyan nang gumaling si Ms. Kris [folded hands emojis]”

She’s getting better. Wishing you all well [happy face with hearts emoji]”

Noong April 19, naging emosyonal si Kris sa ibinanderang birthday message para kay Bimbi.

Inamin niya na hindi siya tumigil sa kaiiyak dahil naiisip niyang hindi na niya maaabutan ang 18th birthday ni Bimby dahil sa lumalala niyang kalusugan.

I’m sorry for showing weakness yesterday when I cried nonstop because of my fear that I may not be around to be with you on your 18th birthday,” sey niya sa bahagi ng Instagram post.

No matter how much physical pain I endure daily, my heart overflows with love because of your caring, selfless, unconditional love.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …