Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual ang mga empleyado na nagsisilbi sa gobyerno, sa halip ay magsikuha ng Civil Service Examinations at kung makapapasa ay magiging regular employee at hindi na contractual.
Ang pahayag ng Pangulo ay ginawa sa sectoral meeting ng Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG), Civil Service Commission (CSC), at ng Commission on Audit (COA) kamakailan.
Nais ng Pangulo na ma-re-educate at sanayin ang mga contractual employees na ma-develop ang kanilang kapabilidad kung pasado sa CSC.
Ang limang nangungunang ahensiya ng gobyerno na may pinakamaraming contractual workers ay ang mga sumusunod: CSC, DBM, DepEd, DPWH, DSWD, at DENR.
Samantala, ang mga local governments ay pinuputakti rin ng job order employees, dahil sila ang mga sumuporta sa panahon ng eleksiyon sa mga nanalong kandidato.